Panibagong Pananaw mula sa Masahista

Masahista

Ang pelikulang “Masahista” ni Brillante Mendoza ay nagpapakita ng panibagong pananaw sa usapin ng kabaklaan. Susubukan kong talakayin ang mga panibagong pananaw na ito sa pagpapakita ng mga parte ng pelikula at paglapat ng mga interpretasyong akma dito.

Liwanag vs. Dilim

liwanagvsdilim

Sa simula pa lamang ng pelikula, nakita na ang labanan ng liwanag (na makikita sa mga ilaw) at ng dilim (makikita sa pagka-gabi at pagkawala ng ilaw). Sa pagpapatuloy ng pelikula, ang ‘masahe’ ay nagaganap sa isang madilim at tagong  lugar. Samantalang, maliwanag naman ang eksena sa kapag labas ang ‘masahe’ sa usapan. Ano kaya ang implikasyon ng ganitong klaseng representasyon?

 dilim

 

liwanag

Maynila vs. Probinsya

mabuting anak

Probinsya (Pampanga)

Maynila

Maynila

Kaakbay ng lugar ang papel na ginagampanan ni Iliac. Sa tuwing siya ay nasa Maynila , isa siyang masahista ng mga bakla. Sa tuwing siya naman ay nasa probinsya, siya ang mabuting anak at ang “breadwinner” ng pamilya. Bukod sa papel na ginagampanan ni Iliac, kapansin-pansin din na maliwanag sa probinsya samantalang madilim sa Maynila.  Ano naman kaya ang implikasyon nito sa ganitong representasyon?

Maaaring sabihin na ang probinsya ang siyang kumakatawan sa tradisyunal na lipunan. Bilang tradisyunal, sinusulong nito ang heterosexual na lipunan at ang patriakang lipunan . Kaya naman makikita na sa ganitong klaseng na lipunan, na sinasabing normal na lipunan, normal ang papel na ginagampanan ni Iliac – siya ang mabuting anak. Siya ang pumalit sa kaniyang yumaong ama tulad ng nagaganap sa isang patriarkal na lipunan. Kaya ang mga eksena dito ang inilalagay sa liwanag na kung saan nakikita ng sanlibutan. Sa liwanag, hindi maaari ang mga pangyayaring kakaiba sa nakagawian. Kaya naman ipinakita ang paskil na “Observe Silence.”

observesfdf

Paskil na makikita sa ospital ng probinsya (patriarkal na lipunan)

Sa kabilang dako, ang Maynila na mas tinitingnan bilang liberal ang siyang nilalagay sa dilim sapagkat dito nagaganap ang mga pangyayaring labas sa isang heterosexual na lipunan. Interesante rin na ang katawan ng yumaong ama ni Iliac ay nasa dilim din. Maaring sabihin na sa dilim, dito matatagpuan ang pagkamatay ng patriarka (na kinakatawan ng ama ni Iliac). Tulad ng sinabi kanina, sa dilim lamang maaaring maganap ang ganitong mga pangyayari sapagkat hindi ka pwedeng maging maingay sa lipunang ito (Observe Silence).

dead body

Ang bangkay ng ama ni Iliac

Kung ipagpapatuloy ang ganitong pagbasa, mapapansin din na sa Maynila (dilim), ang lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayaring labas sa kingawian, nagkakaroon ng reversal of roles. Una, ang lalaki (si Iliac) ang silang nagagamit at naaapi. Halimbawa ay ang kulang na binayad ng client kay Iliac. Ikalawa, ang bakla ang siyang tumitingin sa lalaki bilang isang materyal na bagay. Makikita rin na ang bakla ang naging “observer” ng lalaki. Halimbawa ay ang pagpili sa isang lalaki sa likod ng salaaming tila aquarium. Kung susuriin, sa heterosexual na lipunan, ang lalaki ang “observer” ng bakla kung saan sila ang critics. Dito, baliktad ang naganap.

defef

Ang mga lalaki ay nakapila sa likod ng isang salaming tila aquarium.

egw

Ang baklang cliente (Marina Hidalgo) na pipili ng kaniyang masahista.

Makikita rin ang pagiging trasaksyunal ng gender tulad ng isang pawnshop, kung saan maaaring bayaran ang isang lalaki upang gampanan ang papel ng isang babae. Halimbawa, ang pakikipagtalik ni Iliac sadadag na 500 pesos.

talik

Kakaiba rin na ang bakla ang siyang pumapalit sa lugar ng ama sapagkat sila ang nagbibigay ng pera sa mga lalaking masahista.

money illiac

Sa Maynila, ang bakla (client) ang siyang nag-reject sa isang lalaki (Iliac).

reject

Nagrereklamo si Marina sapagkat mali ang masahistang napunta sa kanya.

Ibang Representasyon

Marami pang mga imaheng ginamit ang pelikula tulad ng paa, tsinelas, at sapatos. Maaring ang mga ito ang kumakatawan sa mobility ng papel ni Iliac sa kaniyang buhay. Ginamit din ang bangkay ng ama katabi ng masaheng nagaganap. Maaring sabihin na katawan lamang ang nais ng mga bakla at hindi ang pag-ibig ng lalaking nagmamasahe sa kanila.

Ilan lamang ito sa mga panibagong pananaw na naibigay ng pelikulang “Masahista.”

Paghahambing sa 80′s at 90′s

Ang usapin ng pagkabakla sa panahon ng 80’s at 90’s ay magka-iba ngunit may kaugnayan sa isa’t isa. Sisikapin kong ihayag ang nakita kong ugnayan sa dalawa sa pamamagitan ng dalawang pelikula – Petrang Kabayo at ang Pilyang Kunting (80’s) at ang Pusong Mamon (90’s).

 

80’s

Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting-88- RoderickPaulate-Aiza Seguerra-sf

PETRANG KABAYO AT ANG PILYANG KUTING

90’s

images-17

PUSONG MAMON

Pagiging Bakla Pangangailangan ng kompensasyon

 

 Petra

Tulad ng kwento ni Garcia ukol sa “The Big Six,” makikita sa pelikula ang pagsasamasama ng mga bakla upang mas maging malakas.

Marginalisasyon; gender separation Screen shot 2013-03-16 at 12.45.00 AM

Ang mga taong ito (ang ama ni Ron, ang kaniyang mg aka-oppisina, etc.) ang silang nagbibigay bigat sa damdamin ni Ron ukol sa kaniyang sekswalidad.

     

 

 

True homosexual (with effeminacy) vs. Situational homosexual (closet gays) Screen shot 2013-03-16 at 12.42.13 AM

Si Ron ang situational homosexual, hindi effeminate. Si Nick naman ang true homosexual, sinusunod niya ang paggalaw ng babae.

Pagnanasa Katawan images-16

Nagustuhan agad ni Petra si Aboy kahit na hindi pa naman niya ito nakikilala ng husto.

Mula katawan ay lilipat sa kalooban. Screen shot 2013-03-16 at 12.46.14 AM

Pinili pa rin ni Ron si Nick kahit na may pag-asa siyang magkaroon na normal (se heterosekswal matrix) na buhay.

      Ekonomikal na Rason

Screen shot 2013-03-16 at 12.42.34 AM

Si Nick ay isang chef ng kaniyang sariling restaurant.

Screen shot 2013-03-16 at 12.43.07 AM

Si Ron ay ang Head ng Marketing department sa isang kompanya.

Sa pelikulang ito, ipinakita na hindi ekonomikal na rason ang dahilan kung bakit nagsama ang dalawa.

Paglaladlad Ang effeminacy bilang aksidente at desisyon.

 

p

Si Petra ay mahilig na sa manika noong bata pa lamang siya. Pinaniniwalaan na siya ay bakla pagsilang pa lamang. Bagkus, ito ay hindi niya pinili kundi isang  natural na aksidente.

 pi

Pumasok ang desisyon nang tumanda na si Petra at nasa kamay niya kung ipagpapatuloy niya ang pagiging bakla (pamaypay) o siya ay magiging tunay na lalaki (palakol)

 

Ang konsepto ng Effiminophobia

 

Screen shot 2013-03-16 at 12.38.15 AM

Ayaw ng ama ni Ron sa mga bakla. Kaya naman pilit tinatago nina Ron at Nick ang kanilang pag-ibig.

Screen shot 2013-03-16 at 12.39.17 AM

 

Kinukutya ng pamilya ni Annie ang mga bakla.

  Ang konsepto ng transgressive reinscription.

 

 

yt

Ang pagbabago ng imahe ng bakla mula sa lampa at lalambot-lambot, patungo sa isang bayani.

Sexual orientations are complete and ever shifting, these labels are at best only labels.

 

Screen shot 2013-03-16 at 12.40.23 AM

Ang mga chismosang kapitbahay nina Ron at Nick ang silang nagpapakita ng iba’t ibang perspektibo ukol sa kabaklaan. Ang “bakla” ay salita lamang. Hindi nito kaya ipakita ang lahat ng aspeto ng sinasabing kabaklaan sa panahon ngayon. Ang mga nakikita ng mag-inang ito ang iba’t ibang imahen ng kasalukuyang bakla na hindi sakop ng salitang “bakla.”

Representasyon Ang konsepto ng camp (gay theater) at ang humorizasyong nagaganap dito.

 

 ty

Ang paglalarawan ni Roderick Paulate (hindi bakla) sa kaniyang ginampanang papel na bakla. Nagtataglay ang kaniyang representasyon ng hypersensationality kaya nagmumukha itong katatawanan.

Gay as self-expression not ascription.

 

Screen shot 2013-03-16 at 12.45.40 AM

Kahit na patuloy na inaakit ni Annie si Nick, hindi pa rin ito nagpapadala sapagkat ito ang pinaniniwalaan niyang pagkatao niya. Ginagawa niya ang nais niyang gawin tulad ng gardening at cooking, hindi ang mga stereotypical na trabaho ng isang bakla na idinikta ng lipunan.

 

 

Pagbabago dala ng Nagpabago

51C6VFW8FDL._SS500_

Ang usapin ng transkswualidad ay sumasalungat sa kung ano ang sinasabi ng blog na ito mula sa simula. Noon, ang usapin ng kabaklaan ay nakasentro sa tensyon sa pagitan ng loob at ng labas. Ngayon, ang usapin ng transekswualidad ay ang pagiging representasyon ng labas sa kung ano ang nasa loob. Ang paniniwalang ito ay nagdudulot na tingnan ang katawan bilang isang materyal na bagay, isang simbolikong  instrumentong maaaring baguhinsa kung ano ang tunay na nadarama ng loob.

Sa pelikulang “Miguel Michelle” ni Gil Portes, nang umalis si Miguel sa Maynila patungong Amerika, siya ay nagbalik bilang isang babaeng (Michelle) naghahangad ng pagtanggap mula sa mga taong malalapit sa kaniya. Nang magbalik si Miguel bilang Michelle, hinamon niya ang mga tao sa kaniang paligid na muling balikan ang kanilang mga pananaw tungkol sa moralidad, relihiyon, pamilya, at pati na ang paglaladlad.

Moralidad – makikita ito sa dating ka-eskwela ni Michelle na nakipagtalik sa kaniya. Pinagpilitan niyang hindi siya lalaki kundi isa siyang ganap na babae kaya walang masama sa kanilang gagawin. Isang pang halimbawa ay ang inaway niyang babae sa bridal shower ni Sonia. Ipinakita niya na siya ay tao rin at walang karapatan ang babaeng ito na bastusin siya. Sa ganoong paraan, nagmukhang masama ang babae at siya naman ang naaaping martyr.

Relihiyon – makikita ito sa pagbabago ng pananaw ni Fr. Rav. Noong unang niyang makita si Michelle, halata naman na hindi siya sumasang-ayon sa ginawa nito. Sinabi rin naman niya ito kay Michelle. Ngunit, mapapansin na si Fr. Rav mismo ang isa sa pangunahing tagapagtanggol ni Michelle – sa board of trustees ng eskwelahan, sa kanilang mga kababayan, at sa mga salbaheng estudyante. Lagi niyang sinasabi na pantay-pantay lamang tayo sa mata ng Diyos kahit ano pa man ang ginawa nating pagkakamali. Laagi ring lumilitaw ang hirit ni Michelle na “akala nila sila lang ang anak ng Diyos.” Sa hirit na ito, mararamdaman ng isang tao ang pagiging mapanghusga at mayabang kaya naman imbis na si Michelle ang tamaan, siya pa angnapako sa sariling salita.

Pamilya – makikita ang pagbabago ng kaniyang kapamilya sa pananaw ukol sa konsepto ng “pamilya.” Noong una, hindi matanggap ng kaniyang ama ang pagbabago ni Miguel. Ngunit sa kabila ng pait, nagawa niya itong ipagtanggol sa panganib. Makikita rin na natanggap ng ama ang pagiging Michelle ni Miguel sa bandang huli. Gayon din ang ina. Ipinagtanggol niya si Michelle mula sa kaniyang asawa. Nagbago rin ang kaniyang isip at muling tinananggap si Miguel bilang kaniyang anak. Ang kaniyang kapatid naman ay takot at nag-aalangan sa unang mga eksena. Ngunit nang nagtagal, ipinagtanggol din niya ang kanyang kuya mula sa kaniyang mga ka-eskwela at tinanggap din niya si Miguel ng buong-buo. Masasabing ang pananaw ng pamilya ni Miguel sa konsepto ng pamilya ay nagbago dahil sa kaniya. Natutunan  nilang tanggapin at mahalin ang kanilang pamila kahit sino o ano pa man sila. Hindi basta basta nagtataboy ng  isang kapamilya.

Paglaladlad – makikita ito sa paglaladlad ni Julio kung saan si Michelle ang pangunahing dahilan.

Mula sa mga nabanggit, masasabing ang pagbabagong dumaan sa buhay ng mga taong ito ay tulad ng pagbabago sa katawan ni Miguel. Ang moralidad, relihiyon, pamilya, at paglaladlad ay mga representasyon sa kung ano ang paniniwala ng isang tao. Tulad ng isang katawan, maaari itong mabago sa kung ano ang nais ng loob. Kaya naman pinipilit ni Michelle na baguhin ang loob ng mga taong ito upang ito ang maipakita sa kanilang labas.

 

Image Source:

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Miguel/Michelle

“60′s Shades of Gray” Tungo Sa Dekada 70

Mula sa mga pelikulang Facifica Falayfay ni Luciano Carlos at ang pelikulang Tubog sa Ginto  ni Lino Brocka, makikita ang pagbabago sa pagtinggin sa konsepto ng “kabaklaan” sa dalawang magkasunod na dekada- Dekada 60 at Dekada 70.

Makikita sa akdang Philippine Gay Culture ni J. Neil Garcia, tanyag ang pagkakalito sa konsepto ng “kabaklaan” noong dekada 60. Sinasabing naghahalo ang mga konseptong naroroon at ito ay nagbubunga ng pagkakalito at pagkakalayo sa tunay na kaisipan ng “kabaklaan.” Sa dekadang ito, pinakita ang paghahalo ng kaisipang sexualidad at gender, at bakla at homosekswal. Ipinakita rin ang bakla bilang pansamantalang yugto sa buhay na dala ng isang mental confusion.

facifica falayfay-69- dolphy- small file

Ang pelikulang Facifica Falayfay ay isang pelikula noong Dekada 60. Ito ay nagpapakita ng iba’t ibang pananaw sa konsepto ng “kabaklaan” mula sa panahong iyon. Una, sinusubukan ng pelikulang ipakita ang pagkaka-iba ng bakla, homosekswal, at effeminate. Kadalasang napagkakamalan si Facifica bilang isang bakla o homsekswal. Ngunit, kung susuriing mabuti, isa lamang siyang effeminate sapagkat hindi siya nagkaroon ng pagnanasa sa kapwa niyang lalaki. Bagkus, si Pilar ang kaniyang napupusuan.

images-11

Ipinakita din sa pelikula kung papaanong ang kabaklaan ay isa lamang panandaliang yugto sa buhay ng tao. Kung susuriing mabuti, si Pacifico ay ipinanganak at siya ay kinondisyon upang maging pusong babae, at siya ay naging si Facifica. Nang makilala niya si Pilar, pilit niyang ipinakilala ang sarili bilang si Pacifico at hindi si Facifica. Dito pa lamang, nakikita na ang unti-unti niyang pag-alis sa nasabing pansamantalang yugto. Nagbago ang lahat nang mapagdaanan niya ang mala-buwis buhay na pagsubok kasama ang iniibig. Sa oras at lugar na sila lamang dalawa, at wala ang mga bagay na maaaring makapagpalito sa kaniya, siya ay bumalik sa pagiging lalaki. Ang kaniyang paglaya sa mundo ng pagkakalito.

bisexual-boy-dont-judge-gay-girl-Favim.com-240838

Nang dumating ang dekada 70, nagsimulang mabuo ang identidad ang bakla. Pinalita ng “sward” ang salitang bakla upang hindi na ito mabahiran ng masasasamang konotasyon tulad ng mahina o duwag. Lumaganap din ang swardspeak – ang lengwahe na exclusibong ginagamit ng mga swards. Nagkaroon din ng mga silahis o mga closet gay – ang mga itinataboy ng mga tunay na bakla.Tinagurian din ang isang bakla bilang katawatawang kasama – isang katangian na sa kaniya kadalasang ikinakabit.

images-8

Sa pelikulang Tubog sa Ginto (Dipped in Gold), pamagat pa lamang ay may sinasabi na. Kung ang isang bagay ay nagtataglay ng gintong panlabas ngunit hindi ginto ang loob, sinusubukan ng bagay na itong magkaroon ng panipabagong identidad. Sa pelikula, ipinakita na malinaw para kay Benito at sa iba pang tauhan ang implikasyon ng salitang “bakla.” Ito ay tinuturing na isang insulto at sakit. Kaya naman sa doktor siya pumupunta nang maramdaman ang hindi masasabi-sabing salita sa kahihiyan.

images-10

Sa mata ni Benito makikita ang pagkakaroon ng identidad ng mga bakla – ngunit sa mga matang ito, negatibo ang kaniyang pananaw. Sa puso naman niya makikita ang isa pang identidad ng mga bakla – ito ay ang hindi mahusgahan sa tunay na pagmamahal sa katawan at kaluluwa ng kapwa nilang lalaki.

images-9

dont_ask_dont_tell_dont_judge_poster-r4d62682e5b9a41f3ba12018f765542fc_wvw_325

 

Bibliograpi:

Halperin, David M. “How to Do the History of Male Homosexuality.”

bisexual-boy-dont-judge-gay-girl-Favim.com-240838.jpg

dont_ask_dont_tell_dont_judge_poster-r4d62682e5b9a41f3ba12018f765542fc_wvw_325.jpg

gay_pride_flag.jpg

images

facifica+falayfay-69-+dolphy-+small+file.jpg

Tubog-sa-Ginto-ad-bw-2.jpg

dont_judge_someone_because_they_sin_differently_postcard-p239498341609927230en7lo_210.jpg

 

Ang Bakla Bilang Bakla

Ang Bakla Bilang BaklaJack n Jill- Dolphy-55

        Ang unang kabanata ng “Philippine Gay Culture” ni J. Neil Garcia ay nagpapakita ng iba’t ibang kaisipan tungkol sa “bakla” noong 1960s. Lumitaw ang mga kaisipan at konseptong bumuo sa imahen ng isang “bakla” sa pelikulang “Jack n’ Jill” ni Mars Ravelo.images-7

            Sa simula pa lamang, ipinakita na ni Garcia ang kaibahan ng isang bakla sa isang homosekswal. Ayon sa kaniya, “to be bakla basically means…attraction to persons of the same sex…becoming effeminate, transvestic, and perhaps funny.”[1]  “All bakla are homosexual, but not all homosexual are bakla.”[2] Sapagkat ang pagiging homosekswal ay hindi kinakailangan magpakita ng effeminacy.[3] Sa pelikula, tinatawag si Gorio bilang isang “bakla.” Kung titingnan ito, nasasaklaw niya ang bawat katangiang binigay ni Garcia sa isang bakla. (1) Siya ay nagkakagusto sa kapwa lalaki. Ipinakita ito nang siya ay kinilig nang malaman niyang may anak na lalaki ang donyang umampon sa kaniya. (2) Makikita rin na siya ay effeminate at transvestic mula sa kaniyang mga kilos at suot-suot. Kulang na lang ay magtalsikan ang kaniyang mga daliri sa kung papaano siya gumalaw. (3) Siya rin ay pinagmumulan ng katatawanan ng mga tao sa paligid (maaaring ang manunuod mismo ang kanying target audience) na ipinakita sa iba’t ibang eksena tulad ng pakikipag-away niya sa palengke kung saan sinabi niyang “kay mahal ng mga paninda, amoy imburnal naman na napabayaan.” Ayon din kay Garcia, “the bakla is a male who…loses his maleness, and begins to turn into a female…such transformation into another gender is never fully accomplished.” Naipakita ito sa pelikula kung saan kahit na bihis, kilos, at pangalan ni Gorio (naging Glori) ay pambabae, lalaki pa rin ang turing ng mga tao sa kaniya. Kaya naman sa palengke, pinatulan siya ng isang tindero sapagkat lalaki pa rin ang turing nito sa bakla.  Gayundin nang tanggihan siya bilang labandera sapagkat babae ang hinahanap nila.

images-6GayTherapy-300x169

Sinasabi rin sa unang kabanata na “ang pagiging bakla ay isa lamang pansamantalang yugto sa buhay ng isang indibidwal.”[4] Ipinakitang halimbawa ang

pelikulang “Kaming mga Talyada” kung saan mula sa pagkabakla, nagkaroon ng conversion tungo sa pagkalalaki isang mahalagang aspeto ng pelikula na nagpapakitang pansamantala lamang ang pagiging bakla. Ang pansamantalang yugto ay dala ng pagkalito ng isang tao sa kaniyang kasarian. Ang  pagiging alanganin ng isang bakla– “the word connotes a certain indecisiveness…presumably gets resolved in the end.”[5] Kaya naman hindi nakapagtataka na habang lumalapit sa pagtatapos ang pelikula, si Glori ay nagiging Gregory muli kasabay ng kaniyang ate na si Dionisia (dating tomboy na naging babae sa huli). Sa ganitong pamamaraan, makikita na ang pagkabakla ay isa lamang pansamantalang yugto ng buhay. Bago dumating si Gardo sa buhay ni Dionisia, siya ay lalaking lalaki – nakikipag-away, jeepney driver, at dominante sa bahay. Ngunit, nang matagpuan ang iniibig, ito ay naging babae. Si Gorio naman ay bakla sa simula, naging lalaki sa huli, ngunit nagpakita pa rin ng kabaklaan bago tuluyang matapos ang pelikula. Makikita dito ang pabago-bago ng isip ng mga tauhang ito na sumusuporta sa sinasabing pagkalito ng isang bakla. Mula sa mga nabanggit, makikitang ang imahe ng bakla sa pelikulang “Jack n Jill” ay tulad ng imaheng ipinakita ni Garcia sa unang kabanata ng kanyang akda – ang bakla noong dekada 60.


[1] J. Neil Garcia, The Philippine Gay Culture: The Past Thirty Years (Quezon City: UP Press, 1996) 64.

[2] Ibid., 64.

[3] Ibid., 63.

[4] Ibid., 74.

[5] Ibid., 74.

“I’m On the Right Track Baby I Was Born This Way…”

Aside

600full-ang-tatay-kong-nanay-poster

Ang pelikulang “Ang Tatay Kong Nanay” ni Lina Brocka ay nagpapakita ng dalawang imahe ng pagiging bakla: bakla bilang impluwensiya ng labas (Butler), at ang bakla bilang impluwensiya ng “loob” (Garcia).

Sinasabi ni Garcia na “for the bakla, gender transition from male to female is accomplished via the loob.” Nagtatagpo ang loob at labas sa gitna upang makamit ang nais ng parehong “tao” sa iisang katawan.

Sa pelikula, malalaman mula sa sagot ni Carding sa Ms. World International, na noong bata pa siya, magkabilang sermon, mura, bugbog, at kurot ang inaabot niya mula sa kaniyang mga magulang. Ngunit, hindi pa rin nito napigilan ang kaniyang pagkabakla. Mula dito, masasabi na ang “loob” ni Carding (isang babae), at ang kaniyang “panlabas” (isang lalaki), ay nagtagpo sa gitna at naging isang bakla kung tawagin. Makikita ang kahalagahan ng “loob” upang labanan ang makapangyarihang impluwensiya ng “labas.”

Makikita rin sa pelikula ang pagkilala ni Carding sa impluwensiya ng “loob” nang makita niya si Nonoy na naglalagay ng lipstick sa kaniyang mukha. Mapapansin na pilit inilalayo ni Carding si Nonoy sa impluwensiya ng labas ukol sa pagkabakla. Nagpapakalalaki siya sa tuwing nasa paligid si Nonoy gayundin ang kaniyang mga amiga. Ngunit, kahit na naniniwala si Carding na nailayo niya ang anak sa kabaklaan, naisip pa rin niyang naging bakla ito (sa pananaw hindi lamang labas ang impluwensiya) nang naglagay ang bata ng lipstick sa mukha. Sa gayon, nang makita niya ang ginawa ng bata, pinagalitan niya ito at pinalo.

Ang huling eksena sa pelikula ay isang tampok na halimbawa ng pagtatagpo ng loob at ng labas. Nang nakabihis babae si Carding para sa Ms. World International, tinawag siya ni Nonoy na “nanay” (pagkilala bilang isang babae). Mula sa pagkilalang ito, nagtagpo ang nais ni Carding sa kaniyang loob (maging isang babae) at ang kaniyag labas (bihis babae). Kaya naman, gayun na lamang ang kasiyahan na kaniyang nadama.

Gaysians2born-this-way-2-9-11

Ayon kay Butler, ang imahen ng “bakla” ay nagmula sa “labas.” Ang ganitong pananaw ay hindi nakatakas sa pelikula. Makikita ang pagbabago ng kilos at anyo ni Carding sa tuwing darating si Nonoy. Ito ay sa paniniwalang baka magaya sa kaniya ang bata. Dahil din dito, inaaway ni Carding ang mga baklang maaaring makaimpluwensiya sa kaniyang anak.

Ipinakita rin sa pelikula ang pagbuo ng imahen ng isang bakla ayon sa impluwensiya ng labas. Sa unang bahagi ng pelikula, inaway ng isang babae ang baklang lumapit sa kaniyang kasintahan. Ito ay sa paniniwalang ahas o mang-aagaw ang isang bakla. Isang kompetisyon sa pag-ibig ng lalaki. Makikita rin sa pelikula ang imahen ng bakla bilang obheto ng katatawanan. Sa mga beauty pageant na ipinakita sa pelikula, laging katangahan o lalokohan ang inaasahan sagot nula sa mga kalahok. Kaya naman nagulat ang lahat sa nang seryosong sagot ang binigay ni Carding. Isama pa dito ang social construct na ginawa ng lipunan kaya hindi makapagladlad ang kaibigan ni Carding na may asawa’t anak.

What Society Thinks about Gay

diagnostic-house-meme-generator-it-appears-you-ve-been-diagnosed-with-gay-74670c

Ang bakla mula sa dalawang pananaw.

 

Sources:

Garcia, . “Performativity, the Bakla, and the Orientalizing Gaze.” n. page. Print.

Butler, Judith. “Critically Queer.” n. page. Print.
Images:

 http://www.google.com.ph/imgres?q=gay+memes+house&hl=fil&safe=off&tbo=d&biw=1279&bih=620&tbm=isch&tbnid=OjD-_I1VEpRaDM:&imgrefurl=http://diylol.com/meme-generator/diagnostic-house/memes/it-appears-youve-been-diagnosed-with-gay&docid=DzLJB07_87Z6fM&imgurl=http://assets.diylol.com/hfs/eea/bd0/e68/resized/diagnostic-house-meme-generator-it-appears-you-ve-been-diagnosed-with-gay-74670c.jpg&w=510&h=510&ei=pzyyUJfvPLCviQed3oCwAw&zoom=1&iact=hc&vpx=4&vpy=132&dur=575&hovh=225&hovw=225&tx=90&ty=107&sig=101159002004184120696&page=1&tbnh=131&tbnw=131&start=0&ndsp=22&ved=1t:429,r:0,s:0,i:78

  http://www.google.com.ph/imgres?q=gay+memes&hl=fil&safe=off&tbo=d&biw=1279&bih=620&tbm=isch&tbnid=WIBCPwwIYpN1JM:&imgrefurl=http://xhewenttojaredx.tumblr.com/&docid=ATytcw21SFLoqM&imgurl=http://24.media.tumblr.com/tumblr_m3zz6bItbe1r1pepbo1_1280.jpg&w=960&h=672&ei=Ez2yUIyhHcnUigejv4CABA&zoom=1&iact=hc&vpx=437&vpy=154&dur=539&hovh=188&hovw=268&tx=126&ty=104&sig=101159002004184120696&page=1&tbnh=137&tbnw=194&start=0&ndsp=22&ved=1t:429,r:3,s:0,i:87

Si Bakla ayon kay Homoseksuwal

Ang pagtingin ng isang tao sa kaniyang sarili ay bunga ng iba’t ibang aspetong nakapaligid sa kaniyang buhay. Ang mga aspetong ito ang siyang bumubuo sa konsepto ng indibidwal kung ano ang kaniyang identidad. Malaking bahagi ang kasarian sa mga bagay na bumubuo sa identidad ng isang tao. Sa gayon, kung ang lalaki at babae lamang ang tinuturing na “tunay” na kasarian, papaano kaya tinitingnan ng mga bakla ang kanilang mga sarili? Paano nabubuo ang kanilang identidad?

Sa pelikulang “Paper Dolls” ni Tomer Haymann, makikita kung papaano nabuo ang pagtingin ng mga bakla sa kanilang mga sarili. Masasabi na ang kanilang nabuong pagtingin ay nagmula sa iba’t ibang aspeto sa kanilang buhay.

May malaking bahagi ang “loob” ng mga homoseksuwal sa pagbuo ng pagtingin sa kanilang sarili. Ang kanilang kagustuhang “maipahiwatig ang sarili” ang siyang pinagmulan ng inspirasyon upang ilabas at itatag kung sino sila sa kabila ng paglabag nito sa “batas ng kalikasan.” Ang pagnanais na ipahayag sa lahat ang pagiging babaing nakulong sa katawan ng lalaki. Ngunit, makapangyarihan din ang impluwensya ng “labas” sa pagbuo ng pagtingin ng mga homoseksuwal sa kanilang sarili. Dito makikita ang kombensyong binubuo ng lipunan kahit sa usapin ng kasarian. Ipinakita sa pelikula ang pag-iisip ng iba’t ibang tao tungkol sa pagiging bakla. Ayon sa iba “it is disgusting.” Samantalang sa iba naman ay “embarassing” sapagkat bilang isang lalaki, kailangan ng taong magpakalalaki (isang halimbawa ng binuong “gender role” ng lipunan). May mga nagsasabi na hindi totoo ang mga bakla sapagkat dalawa lamang ang “tunay” na kasarian – ang babae at ang lalaki. Mula sa mga impluwensyang ito, makikita kung papaano ito nakakaapekto sa pagtingin ng mga homoseksuwal sa kanilang mga sarili.

Ang matinding pagnanais na maipahiwatig ang kanilang sarili ang siyang nagsisilbing inspirasyon upang ipaglaban ng isang homoseksuwal ang kaniyang kasarian. Dalawa ang pasibleng maging bunga ng impluwensya ng labas sa impluwensya ng loob- ang magsilbi ito bilang inspirasyong humanap ng kalayaan sa pagpapahiwatig, o kaya naman ay magsilbi ito bilang babala sa kung ano ang magiging husga sa iyo ng lipunan. Mula sa pelikula, makikita ang dalawang posibilidad na ito sa iba’t ibang tauhan. Ang unang posibilidad ay ipinakita ni Sam. Binigyang diin niya ang pagiging “proud and free gay.” Itinuring niya ang kaniyang sarili bilang isang “real woman.” Binabanatan niya ang mga taong nagtatanong “Ano ang dapat ikahiya sa pagiging isang bakla?” Isa siyang halimbawa ng mga homoseksuwal na hindi nagpa-apekto sa kumbensyon ng lipunan kaya naman ang balik sa kaniya ay “shame.” Ang “shame” ay isang paraan upang mapanatili ang lipunan sa tamang ayos. Pinipigil nito ang mga taong lumayo kaniyang idinidikta. Kaya naman mayroong mga homoseksuwal na nananahimik na lamang at nagtatago sa dilim tulad ni Jan na nagbibihis babae sa ibang lugar na malayo sa kaniyang amo. Si Jan ay isang halimbawa ng baklang nakulong sa kombensyon ng lipunan.

Ang uri o social class ay nakaka-impluwensya sa pagbuo ng mga bakla sa pagtingin sa kanilang sarili. Ang usapin ng mayaman o mahirap ang siyang pumapasok dito. Makikita ang malaking pagkakaiba ng pagtrato sa isang mayamang bakla at sa isang mahirap na bakla. Kung ikaw ay kabilang sa una, normal ang pagtrato sa iyo ng lipunan (tulad nila Boy Abunda at Vice Ganda na hinahangaan pa nga ng marami). Maaaring dahil ito sa perang taglay nila na nagpapakita ng kanilang kapangyarihan. Kung ikaw naman ay kabilang sa ikawala (ang mahihirap na bakla) ang tingin sa iyo ng tao ay kadiri, pokpok, kaladkarin, o kaya naman ay queer.  Sa pelikula, maaaring bigyang pansi ang mga bansang pinuntahan ng mga tauhan- Pilipinas, Israel, at London. Kung pagbabatayan ang pagkakasunod-sunod ng gma bansa, makikitang nagmula ito sa mahirap hanggang sa yumaman. Maaaring sabihin na ang paglipat ng mga tauhan sa iba’t ibang bansa ay simbolo ng kanilang nais na magkaroon ng mas normal na buhay. Makikita na ang pag-iisip ng mga tauhan ay “Israel is more open to gay people. It is the haven for the gays.” Maaaring sabihin na habang mas yumayaman ang bansang kanilang pinatutunguhan, mas nagkakaroon sila ng lakas ng loob na ipahayag ang kanilang kasarian at mas tumataas ang tingin nila sa kanilang sarili.

Ang lahi ang isa sa dahilan kung bakit ang mga bakla ay laging magkakasama. Kung pagbabasihan ang pelikula, makikita na itinakwil sila ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Sinasabing kapag nalaman ito ng kanilang mga ama, bubugbugin sila. Gayun din ang nangyari sa kanila sa Israel, ang kanilang ikalawang pamilya. Bandang huli, iniwan din sila. Mula sa mga pagtakwil na ito, nagkaroon ng kaisipan ang mga homoseksuwal na sila ay nag-iisa lamang sa buhay. Kaya naman, nagiging isang social minority ang kanilang grupo. Sa gayon, bilang minority, kinakailangan nilang magsama-sama upang sila ay mabuhay sa masaklap na mundong ito.

 

Man to Gay Conversation: http://www.google.com.ph/imgres?q=gay+memes&start=268&num=10&hl=fil&safe=off&tbo=d&biw=1279&bih=620&tbm=isch&tbnid=ytqvbSTZIypjRM:&imgrefurl=http://www.realjock.com/gayforums/1793779&docid=SZvZPQtwUkvInM&imgurl=http://chzscience.files.wordpress.com/2012/01/funny-science-news-experiments-memes-nice-comeback.jpg&w=500&h=364&ei=yDqyUL6eA9C0iQfWyIGQAw&zoom=1&iact=hc&vpx=653&vpy=337&dur=350&hovh=191&hovw=263&tx=137&ty=176&sig=101159002004184120696&page=10&tbnh=125&tbnw=171&ndsp=29&ved=1t:429,r:13,s:280,i:43

Gay as a disease? http://www.google.com.ph/imgres?q=gay+memes+house&hl=fil&safe=off&tbo=d&biw=1279&bih=620&tbm=isch&tbnid=OjD-_I1VEpRaDM:&imgrefurl=http://diylol.com/meme-generator/diagnostic-house/memes/it-appears-youve-been-diagnosed-with-gay&docid=DzLJB07_87Z6fM&imgurl=http://assets.diylol.com/hfs/eea/bd0/e68/resized/diagnostic-house-meme-generator-it-appears-you-ve-been-diagnosed-with-gay-74670c.jpg&w=510&h=510&ei=pzyyUJfvPLCviQed3oCwAw&zoom=1&iact=hc&vpx=4&vpy=132&dur=575&hovh=225&hovw=225&tx=90&ty=107&sig=101159002004184120696&page=1&tbnh=131&tbnw=131&start=0&ndsp=22&ved=1t:429,r:0,s:0,i:78

What Society Thinks: http://www.google.com.ph/imgres?q=gay+memes&hl=fil&safe=off&tbo=d&biw=1279&bih=620&tbm=isch&tbnid=WIBCPwwIYpN1JM:&imgrefurl=http://xhewenttojaredx.tumblr.com/&docid=ATytcw21SFLoqM&imgurl=http://24.media.tumblr.com/tumblr_m3zz6bItbe1r1pepbo1_1280.jpg&w=960&h=672&ei=Ez2yUIyhHcnUigejv4CABA&zoom=1&iact=hc&vpx=437&vpy=154&dur=539&hovh=188&hovw=268&tx=126&ty=104&sig=101159002004184120696&page=1&tbnh=137&tbnw=194&start=0&ndsp=22&ved=1t:429,r:3,s:0,i:87